Poor baby girl! Tsk!!!
I almost fainted after seeing this... Ouch!!! but I have to show her that its just a little "booboo" and she's going to be okay. Kaloka!!! Wanna know what happened?
Calleigh crying...
Me: ANONG NANGYARI?
YAYA 1 (Sylvia): Ate, nadapa po.
Me: Saan? bakit nadapa? Princess?
YAYA 2 (Princess): nadapa daw po e.
Me: OO NGA NADAPA NA! SAAN AT PAANO!
YAYA 1: sa labas po ate.
YAYA 2: nandito po ako sa loob nagtitiklop ng nilabhan na damit ni Calleigh. di ko naman po alam na lumabas sila ni sylvia.
(habang dinadala ko sa banyo para hugasan ang kamay and legs ni calleigh pag kita ko sa mirror)
Me: ANO TO!!! SUGAT YUNG LABI NI CALLEIGH! ANAK NG! ANO BA TALAGA NANGYARI?
YAYA 1: e kasi po ate inutusan po ako ni calleigh na buksan yung payong habang nasa labas po kami, e di binuksan ko po. tapos pag bukas ko ng payong tumakbo po si calleigh palayo sa akin.
Me: AY HANEP! BUTI SI CALLEIGH SINUNOD MO SA UTOS NYA E ANG UTOS KO SAYO BANTAYAN NINYO MABUTI AT HUWAG HAYAAN MADAPA O MASUGAT O KUNG ANO MAN.
O diba? mahabang diskusyon pa ang naganap. Oh well, wala nang magagawa nasugat na! haaaayyy!
After a long cranky moments with Calleigh, she just wants to be with daddy buong gabi. ^^